Nagbabanta ang matinding pag-ulan at malawakang pagbaha sa malaking bahagi ng Visayas at Mindanao ngayong Feb. 6, kasabay ng pananalasa ng bagyong Basyang.
Nakataas ang Red Rainfall Warning ngayong araw sa mga probinsiya ng Cebu, Negros Oriental, Bohol, Siquijor, Surigao del Norte, Dinagat Islands, Agusan del Norte, Misamis Oriental, at Camiguin.
Ang mga nabanggit na probinsiya ay inaasahang makakaranas ng mahigit 200mm ng pag-ulan na inaasahang magdudulot ng malawakang pagbaha sa maraming komunidad.
Nakataas naman ang Orange Raindall Warning sa mga probinsiya ng Palawan, Negros Occidental, Southern Leyte, Leyte, Antique, Iloilo, Guimaras, Agusan del Sur, Surigao del Sur, Misamis Occidental, Lanao del Norte, Lanao del Sur, Bukidnon, Davao del Norte, Davao de Oro, Davao Oriental, at Zamboanga del Norte.
Nagbabanta sa mga ito ang 100-200mm na pag-ulan
Siyam na probinsiya naman ang inaasahang makakaranas ng hanggang 100 mm na pag-ulan ngayong araw.
Kinabibilangan ito ng mga probinsiya ng Eastern Samar, Aklan, Capiz, Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, Maguindanao del Norte, Cotabato, at Davao del Sur.
Ayon sa state weather bureau, posibleng magpapatuloy ito hanggang sa araw ng Lingo (Feb. 8) kasabay ng pagtawid ng bagyong Basyang sa Visayas landmass patungo sa western seaboard ng bansa.
















