-- Advertisements --

Itinanggi ni Tourism Secretary Christina Frasco noong Pebrero 3 ang paratang na ginagamit niya ang tourism campaigns at magazine covers para sa sariling pagpapakilala.

Ayon kay Frasco, ang kanyang visibility bilang DOT chief ay para sa aktibong presensya sa mga proyekto, hindi para sa personal exposure. Nilinaw niya na ang cover ng ilang PH magazine ay hindi niya pinayagan at hindi ginastusan ng gobyerno; bahagi lamang ito ng Philippine Experience Program na nagtatampok sa mga komunidad at kultura ng bansa.

Aniya, ang pagpapakita ng kanyang mukha sa DOT website at social media ay dulot ng pag-uulat sa aktibidad ng ahensya, hindi self-promotion. Ang DOT aniya ay nakatuon sa mandato nito, pagbangon ng kabuhayan, pagpapalakas ng destinasyon, at pagpapaunlad ng turismo para sa milyon-milyong Pilipino. (report by Bombo Jai)