-- Advertisements --
Walang naitalang mga malalaking krimen ang kapulisan sa pagdiriwang ng Pasko.
Ayon kay Maj. Gen. Anthony Aberin, ang Natonal Capital Region Police Office chief, na mayroon silang ipinakalat na halos 15,000 na kapulisan para tiyakin ang kaligtasan ng publiko ngayong Holiday Season.
Dagdag pa nito na binisita na rin niya ang mga bus terminal kung saan walang anumang nakitang problema.
Natitiyak naman nito na patuloy ang gagawin nilang pagbabantay sa mga matataong lugar.
















