-- Advertisements --

Nagpaalala ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa mga pampasaherong sasakyan ukol sa mga pelikulang ipinapalabas nila.

Ayon sa MTRCB, na dapat ay rated G (General Patronage) at PG (Parental Guidance) lamang ang ipapalabas sa loob ng public utility vehicles habang bumabiyahe.

Kasama rin sa panawagan ang lahat ng a
udio-visual materials na naka-display o ipinapalabas sa mga pampublikong sasakyan kabilang ang mga buses at ilang mga sasakyang na ginagami ng publiko.

Dagdag naman ni MTRCB chairperson and CEO Lala Sotto na layon nito ay para magkaroon ng ligtas at family-friendly na pagbiyahe ang mga pasahero lalo na ang mga bata.