-- Advertisements --

Nagsagawa ng isang send-off ceremony ang Philippine Navy para sa kanilang mga tauhan na makikibahagi para sa 3rd International Fleet Review (IFR26) na siyang pangungunahan ng Indian Navy at nakatakda ring makibahagi sa Multilateral Naval Exercise (MILAN) 2026.

Ang send-off ceremony naman ay pinangunahan ni Naval Defense Command Acting Commander Rear Admiral Peter Jempsun De Guzman para sa mga marinong nakatakdang maglayag patungong Visakhapatnam sa India.

Para naman sa naturang pagsasanay, ipinadala ng Hukbong Dagat ng Pilipinas ang kanilang Malvar Class Guided Missile Frigate na BRP Miguel Malvar na siyang pamumunuan ni Captain Paul Michael Hechanova.

Layon naman ng 3rd International Fleet Review (IFR26) na magsilbing plataporma para sa pagpapalitan ng mga ideya at pagpapatibay ng kooperasyon ng mga kalahok na bansa pagdating sa kapayapaan, stabilidad at development ng Indo-Pacific Region.

Samantala, ang pakikilahok naman ng Pilipinas sa dalawang pagsasanay na ito ay nagpapakita lamang aniya ng kanilang matinding commitment para sa mas pinalakas na international cooperation, maritime peace at regional stability.