Nagpahayag ng suporta at pagtindiug ang Estados Unidos sa Pilipinas matapos na ihayag ng China ang kanilang plano na pagtatayo ng nature reserve plan sa bahagi ng Scarborough Shoal na siyang bahagi ng West Philippine Sea.
Sa isang pahayag, tinawag ni US Secretary of State Marco Rubio na ‘destabilizing’ ang mga hakbangin at plano na ito ng China.
Aniya isa itong banta sa regional stability ng Indo-Pacific region kung saan isa aniya itong hakbang para mapalapit ang naturang bansa sa patuloy na pagangkin sa mga teritoryong sakop ng Pilipinas.
Binigyang diin rijn ni Rubio na ito ay isang mapilit na paraan ng China para mapaigting pa ang kanilang mga iligal na presensiya sa WPS.
ang mga hakbang na rin na ito ng China ay nagpapahirap sa mga mangingisda na gampanan ang kanilang hanapbuhay dahil sa posibleng banta nito sa kanilang kaligtasan.
Samantala, nauna naman na dito ay kinondena ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang hakbang na ito at tinawag na ‘illegitimate’ at ‘unlwaful’.
Nanawagan na rin ang naturang ahensya sa China na itigil ang mga gawaing ito at respetuhin ang soberaniya at husridiksyon ng Pilipinas sa mga teritoryo nito.