Higit doble ang isinagawang coast guard patrols ng China sa Scarborough Shoal noong 2025, ayon sa ulat ng Asia Maritime Transparency Initiative ng Centre for Strategic and International Studies, sa gitna ng tumitinding tensyon sa Pilipinas sa West Ph Sea.
Batay sa ulat, umabot sa 1,099 ship days ang naitala ng China Coast Guard sa Scarborough Shoal noong 2025, mula sa 516 ship days noong 2024. Halos buong taon ding namataan ang presensya ng mga barko ng China sa lugar, sa 352 sa 365 araw.
May average na tatlong China Coast Guard ships kada araw sa paligid ng shoal, at lumawak pa silangan ang patrols, kabilang ang mga rutang dinaraanan ng mga barko ng Pilipinas.
Sa kabuuan, tumaas sa 2,183 ship days ang patrols ng China Coast Guard sa anim na lokasyon sa WPS noong 2025. Halos triple rin ang itinaas ng patrols sa Sabina Shoal o Escoda Shoal, habang bumaba naman ang aktibidad sa ilang iba pang bahagi ng rehiyon. (report by Bombo Jai)
















