-- Advertisements --
Nag-isyu ang Commission on Audit (COA) ng ₱84 milyong notice of disallowance mula sa ₱289 milyong pondo ng umano’y substandard na flood control project sa Naujan, Oriental Mindoro, ayon kay COA Region 4B auditor Victoriano Acosta.
Sa bail hearing ng mga dating opisyal ng DPWH na nahaharap sa kasong malversation, sinabi ni Acosta na ang proyekto ay hindi naisagawa ayon sa plano at specifications. Iginiit naman ng depensa na appealable ang notice of disallowance at hindi pa pinal, na kinumpirma rin ng COA.
Samantala, pinagmulta ng Sandiganbayan Sixth Division ng ₱1,000 ang mga prosecutor dahil sa late na pagsumite ng ebidensiya. Babalik sa witness stand si Acosta sa Pebrero 9. (report by Bombo Jai)
















