-- Advertisements --

Isinagawa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang isang maritime cooperative activity (MCA) kasama ang tropa mula sa Australian Defense Force at Royal Canadian Navy (RCN) nitong Sabado sa Timog-kanlurang bahagi ng El Nido, Palawan.

Ito ay bahagi pa rin ng taunang ALON Exercises na siyang kadalasang nilalahukan ng mga tropa mula sa iba’t ibang kaalyadong bansa ng Pilipinas.

Ngayong taon, ang mga ginamit na naval assets para sa naturang pagsasanay y ang BRP Jose Rizal (FF150) mula sa panig ng Philippine Navy habang ginamit naman ng Royal Australian navy ang kanilang HMAS Brisbane (DDG41) habang lulan naman ng HMCS de Quebec (FFH332) ang tropa ng Royal Canadian Navy.

Ayon sa AFP, tampok sa pagsasanay ng crossdeck hosting at vertical personnel transfer kung saan ginamit naman nila sa aktibidad na ito ang MH-60 helicopter ng Asutralia para matagumpay na maisagawa ang mga exercises na ito.

Samantala, ang naturang MCA naman ay nagpapakita lamang ng pinagisang adhikain ng mga nakilahok na ansa na maitaguyod ang isang rules-based international order na Indo-Pacific.

Ito rin ay bahagi ng pinagtibay na alyansa sa pagitan ng Pilipinas, Australia at Canada na panatilihin ang freedom of navigation, regional stability at pagpapalakas sa maritime security ng mga naturang bansa.