-- Advertisements --

Ibinida ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kakayahan ng BRP Miguel Malvar sa nagpapatuloy na joint maritime exrcises ng Pilipinas kasama ang India.

Ipinakita ng BRP Miguel Malvar ang Close-in Weapon System na siyang isa sa mga modernong armas ng mga bagong barko ng Pilipinas bilang bhagi pa rin ng modernisasyon ng AFP.

Sa naging simulation na bahagi ng Maritime Cooperative Activity sa pagitan ng Pilipinas at India, nagamit at ibinida ng Philippine Navy ang makabagong armas na ito na kayang umsinta ng kalaban at siyang magpakawala ng 1000 rounds ng bala sa loob lamang ng isang minuto.

Itinuturing naman itong smart ammunition dahil sa naka-progrma ito para umasinta ng mga eroplanong pandigma at missile depende sa kung ano ang nakikita sa sa radar ng naturang barko.

Samantala, patuloy pa rin ang ginagawa nilang modernisasyon sa mga sandata na mayroon ang mga asset ng bansa gya ng ginawa sa iba pang mga sasakyang pandagat ng Sandatahang lakas.