Mahigit sa one fourth ng kabuuang trabaho sa Pilipinas ay exposed sa Generative Artificial Intelligence (GenAI), na may pinakamataas na exposure rate sa mga bansang kabilang sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Ayon sa datos mula sa International Labour Organization (ILO), 27.2% ng mga trabaho sa Pilipinas o tinatayang 12.7 milyong manggagawa ay potensyal na apektado ng GenAI.
Nilinaw ng ILO na hindi ito nangangahulugan ng direktang pagkawala ng trabaho.
Sa halip, maaari itong magresulta sa pagbabago ng mga gawain sa isang propesyon kaysa sa pagpapalit ng mga manggagawa.
Tinatayang 40.3% ng mga trabaho na pinamumunuan ng kababaihan ay exposed sa GenAI, mas mataas kumpara sa 19.3% para sa kalalakihan.
Nanawagan ang ILO na mas paigtingin ang upskilling at reskilling programs, gayundin ang proteksyon sa mga manggagawa, upang maayos na maisaayos ang mga trabahong may kaugnayan sa GenAI.
















