Inihayag ng ilang Philippine security officials ang kanilang pag-aalala sa maling paggamit ng artificial intelligence (AI) para sa terorismo, na itinuturing na isang “emerging trend.”
Kaugnay nito, isinusulong nila ang pagkakaroon ng limitasyon para sa mga menor de edad sa paggamit ng digital platforms upang mapigilan ang marahas na radikalisasyon.
Sa isang press conference, sinabi ni Anti-Terrorism Council (ATC) Executive Director Undersecretary Bernardo Florece Jr. na ginagamit na umano ang AI ng mga extremist groups upang mag-recruit ng mga kabataan.
“This is a new and emerging trend,” ani Florece.
Binanggit din ni Florece ang naging hakbang ng Australia na ipagbawal sa mga menor de edad, hanggang edad 16 o 17, ang paggamit ng ilang social media platforms.
Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ni National Intelligence Coordinating Agency (NICA) Director General Ricardo De Leon at ng security cluster sa lehislatura upang maipasa ang Philippine version ng nasabing batas.















