-- Advertisements --
Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr si dating Partido Demokratiko Pilipino (PDP) Secretary General Melvin Matibag bilang bagong hepe ng National Bureau of Investigation (NBI).
Sinabi ni Communications Undersecretary Claire Castro na maaring nakitaan ng Pangulo na potensiyal at mapagkakatiwalaan si Matibag sa puwesto.
Hindi na nagbigay pa aniya si Pangulo ng anumang dahilan sa pagtalaga kay Matibag.
Magugunitang noong Oktubre 2023 ng magbitiw si Matibag sa PDPna partido ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Papalitan ni Matibag si acting NBI Director Angelito Magno na itinalaga sa ahensiya mula noong Oktubre 2025.
















