-- Advertisements --

NEW YORK, USA – Nagpatupad ang New York City ng isang taong moratorium sa paggamit ng Artificial Intelligence (AI) sa mga pampublikong elementarya at middle school.

Ito ang pinakamahigpit na hakbang kaugnay ng paggamit ng bagong teknolohiya sa mga silid-aralan sa buong Estados Unidos.

Dahil sa patakarang ito, pansamantalang ititigil ang paggamit ng humigit-kumulang 40 educational tools sa lungsod.

Ayon kay Mayor Zohran Mamdani, kailangan ng mga bata ang personal na gabay ng guro at pakikipag-ugnayan sa kapwa mag-aaral upang matuto.

Apektado ng patakaran ang humigit-kumulang 600,000 mag-aaral hanggang Grade 8, habang pinapayagan pa rin ang mga guro at piling high school students na gumamit nito.

Samantala, wala pang inilalabas na pahayag ang mga pangunahing kumpanya ng AI tulad ng Google, Anthropic, at Microsoft hinggil sa usapin.