-- Advertisements --

Pormal ng nanumpa bilang alkalde ng New York City si Zohran Mamdani.

Ang 34-anyos na si Mamdani ay pang-112 na alkalde ng New York City.

Siya ang unang Muslim mayor, unang South Asian mayor at pinakabatang alkalde sa kasaysayan ng lungsod.

Sa kaniyang talumpati ay sinabi niyang ngayon na ang pagsisimula ng bagong kabanata ng New York.

Hindi rin nito akalain na ang dating sumasakay sa bus, subway noong bata pa sa Bronx ay magiging alkalde.

Pinasalamatan nito ang kaniyang magulang at ang asawang si Rama Duwaji.

Dinaluhan ito ng maraming supporters niya na hindi ininda ang sobrang lamig ng panahon.