-- Advertisements --

Naaresto na ng FBI ang suspek na nagtanim ng pipe bombs malapit sa National Committee headquarters ng Democrats at Republicans isang gabi bago ang 2021 US Capitol riot.

Sinabi ni Attorney General Pam Bondi kinilala ang suspek na si Brian Cole Jr.

Paliwanag nito na walang bagong tip at bagong witness at sa halip ay ang pagpupursige ng mga kapulisan lamang ang ginawa nila.

Nahaharap ang suspek ngayon ng transporting an explosive device in interstate commerce at malicious destruction by means of explosion.

Binatikos ni Bondi ang justice system ni dating US President Joe Biden dahil sa hindi nila agad naaresto ang suspek.

Magugunitang nag-alok ang FBI ng $500,000 na reward para sa impormasyon na makakatulong sa mga imbestigador at agad na maaresto ang suspek.