-- Advertisements --

Inanunsiyo ni dating US House Speaker Nancy Pelosi na hindi na ito muling tatakbo sa halalan.

Ayon sa 85-anyos na nag-iisang babaeng House Speaker na ipapaubaya na lamang niya sa mga mas batang kongresista ang posisyon.

Subalit mananatili pa rin siyang boses ng mga taga-San Francisco.

Taong 1987 ng unang inihalal sa kongreso si Pelosi at gumawa ng kasaysayan bilang kauna-unahang babaeng speaker noong 2007.

Nananatili pa rin siyang maimpluwensiyang tao sa Democrats.