-- Advertisements --

Nanawagan si Ferdinand R. Marcos Jr. na mas paigtingin ang kooperasyon upang maibalik ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) bilang pangunahing puwersa sa pandaigdigang ekonomiya, habang pinamumunuan ng Pilipinas ang regional bloc ngayong taon.

Sa kanyang talumpati sa ASEAN Editors and Economic Opinion Leaders Forum na ginanap sa Fairmont Hotel Makati, sinabi ni Pangulong Marcos na ang sentralidad ng ASEAN ay dapat manatiling pundasyon ng estratehiya ng rehiyon para sa muling pagbangon ng ekonomiya, alinsunod sa tema ng pagiging Tagapangulo ng Pilipinas na “Navigating Our Future, Together.”

“I think we share the aspiration, all member states share the aspiration that ASEAN should return to its old role of being an economic – a global economic driver. That happened in 2019, that’s where we were and we need to return to that,” pahayag ng Pangulo sa Special Session Fireside Chat na may pamagat na “Tapping the Philippines’ Dynamic Growth Story.”

(Naniniwala ako na iisa ang hangarin ng lahat ng kasaping bansa—na maibalik ng ASEAN ang dati nitong papel bilang isang pandaigdigang tagapagpasigla ng ekonomiya. Nangyari ito noong 2019; iyon ang ating kinalalagyan noon, at kailangan nating makabalik doon).

Ipinaliwanag ng Pangulo na ang “together” sa praktikal na konteksto ng ekonomiya ay nangangahulugan ng pagkilala, pag-unawa, at matibay na pangako ng lahat ng labing-isang bansang kasapi na kumilos bilang isang nagkakaisang rehiyon habang iginagalang ang kani-kanilang pambansang pagkakaiba.

Ang pagkakaisa anya ay hindi nangangahulugang pagkakapare-pareho, dahil magkakaiba ang mga bansa ng ASEAN sa laki ng ekonomiya, populasyon, at antas ng kaunlaran.

Sa kabila ng mga pagkakaibang ito, sinabi ng Pangulo na ang iisang hangarin na maibalik ang pamumuno ng ASEAN sa pandaigdigang ekonomiya ang nagbubuklod sa rehiyon.

“That joint and shared aspiration of returning to that role in the global community is something that we hold in our hearts together,” dagdag ng Pnagulo.

(’Yung parehong hangarin at pagnanais na muling bumalik sa ganoong papel sa pandaigdigang komunidad ay isang bagay na magkakasama nating pinanghahawakan sa ating mga puso,’ dagdag niya).

“Even achieving that will be done in many different ways depending on which country you are talking about. But we have to do it in consonance with one another so that we achieve our own national goals and at the same time achieve the goals that we have for ASEAN.”

(“Kahit ang pag-abot nito ay gagawin sa iba’t ibang paraan depende sa kung aling bansa ang pinag-uusapan. Pero kailangan natin itong gawin nang magkakaugnay upang maabot natin ang ating mga pambansang layunin at kasabay nito, maabot din ang mga layunin natin para sa ASEAN.”)

Nang tanungin hinggil sa mga kongkretong repormang polisiya na isusulong ng Pilipinas sa panahon ng pagiging Tagapangulo nito, binigyang-diin ng Pangulo ang pangangailangang palakasin ang mga supply chain sa loob ng ASEAN.

“Very soon after COVID, the discussion around ASEAN was that we have to learn from the lessons of COVID. One of the great lessons that we had to do was to make more robust our supply chains,” wika ng Pangulo.

(Agad pagkatapos ng COVID, ang pag-uusap tungkol sa ASEAN ay kung paano natin matutunan ang mga aral mula sa COVID. Isa sa mga mahahalagang aral na kailangan nating gawin ay palakasin ang ating mga supply chain).

“At kaya nagkaroon ng magkasanib na pag-unawa ang mga bansang kasapi—unahin muna nating palakasin ang sarili natin. Kaya dapat patibayin ang mga supply chain sa loob ng ASEAN.”

Binanggit ng Pangulo na sa kasalukuyan, tinatayang 23 porsyento lamang ng kabuuang kalakalan ng rehiyon ang nagaganap sa loob ng ASEAN, habang 77 porsyento ay isinasagawa sa labas ng block

Ayon kay Pangulong Marcos, ang pagpapalawak ng kalakalan sa loob ng rehiyon ay makapagpapalakas sa katatagan at kakayahang makipagkumpitensya ng ASEAN, at magbibigay-daan upang muling maitaguyod ang rehiyon bilang isang pangunahing puwersa sa pandaigdigang ekonomiya. | PND