-- Advertisements --

Binigyang linaw ni Naga City Mayor at dating Vice President Leni Robredo na walang halong pulitika ang nakatakdang pagkikita nila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sinabi nito na malaki ang tiwala niya sa pangulo na hindi ito magbabanggit ng anumang usaping pulitika.

Giit nito malayo pa ang eleksyon kaya nakatuon ito ngayon sa pamamahala niya sa lungsod ng Naga.

Lahat aniya ng mga pulitiko kahit na anumang partido ay bukas niya itong tanggapin para makatulong sa pagresolba ng anumang problema sa kaniyang lungsod.

Magugunitang nakatakdang bumisita sa Naga City ang Pangulo para tignan ang Oplan Kontra Baha.