Tumangging magkomento si Senador Rodante Marcoleta sa usap-usapang maging running mate ni Vice President Sara Duterte sa 2028 elections.
Ayon sa Senador, abala siya sa ngayon sa ibang mga bagay. Nakatutok umano ang Senador sa ngayon na ituwid ang lahat ng mga mali.
Kabilang sa tinukoy ni Marcoleta ang salungatan sa ilang kilalang public figures, kabilang sina retired Supeme Court justice Antonio Carpio, Senator Panfilo Lacson, Philippine Coast Gaurd spokesperson for the West Philippine Commodore Jay Tarriela, maritime law expert Jay Batongbacal at dating Senator Francis Tolentino pagdating sa usapin sa WPS na nais niyang matugunan bago pagtuunan ang mga plano sa pulitika.
Matatandaan, nauna nang inanunsiyo ni VP Sara noong Miyerkules, Pebrero18, ang kaniyang pagtakbo sa pagkapangulo sa halalan sa 2028 kung saan lumutang din bilang potensiyal na running mate niya sina Senador Robin Padilla at Sen. Imee Marcos.















