-- Advertisements --

Sinabi ni Interior Secretary Jonvic Remulla na plano niyang bumalik sa kanyang lalawigan sa Cavite at tumakbo sa isang lokal na posisyon sa 2028 elections.

Kasunod ng ito ng mga ulat na plano niyang tumakbo sa national position sa 2028, ngunit nagbago aniya ang kanyang direksyon sa pulitika.

Sa isang panayam sa Kapihan ng Samahang Plaridel nitong Biyernes, sinabi ni Remulla na nais niyang ituon ang kanyang serbisyo publiko sa tamang dahilan at hindi lamang dahil sa personal na ambisyon.

Aminado rin siya na may “perception gap” sa publiko tungkol sa kanya, ngunit handa siyang tanggapin ito bilang bahagi ng pamumuno.

Dagdag pa niya, bukas pa rin ang posibilidad na magbago ang kanyang plano, ngunit sa ngayon ay malinaw na nais niyang bumalik sa Cavite.

“Everything is fluid, but as of now, my heart is set on going back to Cavite talaga. We will cross the bridge when we get there but I miss home,” ani Remulla.