Sa isang talakayan ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS), binigyang-diin ng mga eksperto na ang artificial intelligence (AI) ay nagsisimula nang baguhin ang tradisyunal na career pathways at nagpapababa ng demand para sa routine work.
Ayon kay Professor Alexis Antoniades, lumalakas ang mismatches sa skills at tumataas ang pangangailangan sa digital competencies gaya ng programming at data analysis.
Ipinakita naman ni Francis Mark Quimba ng PIDS na mababa hanggang katamtaman lamang ang readiness ng maraming LGUs para sa AI adoption dahil sa mahinang digital infrastructure at limitadong technical capacity.
Samantala, iniulat ni Chelsea Nicole Pineda ng DOLE-ILS na tumataas ang paggamit ng AI sa IT-BPM, manufacturing, at banking sectors, ngunit nananatiling alalahanin ng mga manggagawa ang job security at ethical use ng AI.
Binigyang-diin ng mga tagapagsalita na dapat manatiling human-centered ang AI systems upang maging katuwang sa paggawa at hindi ganap na pumalit sa mga manggagawa.














