Ipinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employers sa National Capital Region (NCR) na epektibo na ang P50 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa pagdating ng Hulyo 18.
Ayon kay DOLE-NCR Regional Director Sarah Buena Mirasol , na dapat ay magsagawa na ng adjustment ang mga employer sa arawang sahod ng kanilang empleyado.
Magsasagawa rin sila ng monitoring sa mga employer para matiyak na ito ay nasusunod.
Maguugnitang noong nakaraang buwan ay inaprubahan ng NCR Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang dagdag na P50 sa arawang sahod sa mga manggagawa ng rehiyon.
Dahil dito ay magiging P695 na mula sa dating P645 ang minimum wage rate para sa mga non-agriculture sector habang magiging P658 na mula sa dating P608 ang mga agriculture sector.