-- Advertisements --
Nanawagan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng dagdag na mga volunteers para matiyak na tuloy-tuloy ang repacking ng mga food packs na ipapamahagi sa mga nasalanta ng bagyong Tino.
Ayon sa DSWD National Resource and Logistics Management Bureau (NRLMB) na patuloy ang paggawa nila ng family food packs sa kanilang Luzon Disaster Resource Center (LDRC) sa lungsod ng Pasay.
Dagdag naman ni DSWD’s Disaster Response Management Group (DRMG) Asst. Secretary Irene Dumlao na bawat tulong ay makakaligtas ng buhay sa mga nasalanta ng bagyo.
Maari lamang magtungo ang mga ito sa LDRC sa Barangay 195, Pasay City.
Sa ngayon ay naipamahagi na ng DSWD ang P1.9 milyon halaga ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Tino.















