-- Advertisements --
Natapos na ang kampanya ni Pinay tennis star Alex Eala sa Abu Dhabi Open.
Ito ay matapos na mabigo siya laban kay Ekaterina Alexandrova, 6-3, 6-3 sa quarterfinals.
Sa second set ay nagtala agad ng 3-1 na kalamangan ang Russian tennis star hanggang sa mabura ito ng 20-anyos na si Eala at maitabla panandalian ang puntos.
Subalit naging agresibo pa ang world number 11 na si Alexandrova at tuluyang tinapos ang laro.
Magugunitang unang tinalo ni Eala sa Zeynap Sonmez sa first round at Aliaksandra Sasnovich sa ikalawang round ng torneo.
















