-- Advertisements --

Inilikas na ng lokal na pamahalaan sa bayan ng Hinatuan, Surigao del Sur ang mga residenteng nakatira malapit sa baybayin at yaong mga nasa flood at landslide prone areas matapos na isina-ilalim sa storm signal number 2 dahil sa bagyong Basyang.

Partikular na inilikas ang mga residente ng Mahaba Islands ng Brgy San Juan dahil sa lumalaki ng alon sa baybayin at patuloy na lumalakas na bayo ng hangin.

Habang inihayag naman ni Ronald Anthony Briol, tagapagsalita ng Office of the Civil Defense-Caraga na nasa blue alert status na sila ngayon upang 24/7 na ma-monitor ang mga posibleng emerhensyang maihahatid ng nasabing bagyo na bumabayo ngayon sa halos buong Caraga Region.

Ito’y lalo na’t may storm surge warning nang inilabas ang weather bureau para sa mga baybayin ng rehiyon sanhi ng inilabas na evacuation order.