-- Advertisements --

Nagbabala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa panibagong panloloko na kumakalat ngayon.

Ayon sa DSWD, na mayroong nagpapanggap na empleyado nila kung saan magpapamigay umano sila ng P6,500 hanggang P8,000.

Kapalit nito ay ang pagbibigay lamang ng mga target na biktima ng kanilang mga personal na impormasyon.

Gamit ang ilang mga messenging apps kung saan tatawagan nila ang mga biktima at hihingiin ang mga personal na datos para sa nasabing pekeng programa.

Sinabi pa ni DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao na nagsimula ito noong Disyembre at hanggang ngayong Pebrero ay patuloy ang pamamayagpag.

Nakipag-unayan na sila sa mga ibat-ibang ahensiya para maaresto ang mga nasa likod nasabing panloloko.