-- Advertisements --

Sugatan ang isang military general ng Russia matapos na ito ay pagbabarilin sa Moscow.

Nasa loob ng kaniyang residential building sa Volokolamskoye Highway sa Moscow si Lt. Gen. Vladimir Alekseyev ng pagbabarilin ng hindi kilalang suspei.

Si Alekseyev ay nagsisilbing deputy head ng Russian military intelligence.

Dinala na sa pagamutan 64-anyos na si Alekseyev matapos na magtamo ng sugat sa mga katawan.

Agad na nagtungo sa lugar ang Russian Investigative Committee para magsagawa ng imbestigasyon at alamin kung sino ang responsable sa insidente.

Inakusahan naman ni Russian Foreign Minister Sergey Lavrov ang gobyerno ng Ukraine na sila umano ang nasabing pag-atake.