-- Advertisements --

Nananatiling kumpiyansa ang Malacañan na maaresto ang mga high-profile na mga kriminal.

Kasama na tinukoy ni Presidential Communications Undersecretary Claire Castro si dating Ako-Bicol partylist Representatives Zaldy Co.

Sinabi ni Castro na tuloy-tuloy ang ugnayan ng gobyerno sa international Criminal Police Organization (Interpol) para mahanap si Co.

Naniniwala ang opisyal na dahil sa maganda ang uganayan ng gobyerno sa Interpol ay mapapabilis ang pag-aresto kay Co.

Una ng sinabi ng National Bureau of Investigation (NBI) na wala pang red notice na inilabas ang interpol laban kay Co.

Magugunitang si Co ay nahaharap sa mga kaso dahil sa anomalya sa flood control projects.