Tinawag ng Department of National Defense (DND) na isang “propaganda” ang deklarasyon ng Communist Party of the Philippines–New People’s Army (CPP-NPA) ng apat na araw na ceasefire na magsisimula 12:00 a.m. ng Disyembre 25 hanggang 11:59 p.m. ng Enero 1.
Ayon sa DND, sa kabila ng anunsyong ito ay magpapatuloy pa rin ang mga operasyon ng militar ng pamahalaan ngayong holiday season.
Ibig sabihin, patuloy na magbibigay ng suporta ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Philippine National Police (PNP) upang mapanatili ang peace and order sa panahon ng kapaskuhan.
Samantala, hinikayat ng DND ang mga natitira pang miyembro ng CPP-NPA na sumuko na sa pamahalaan at makipagtulungan upang sugpuin ang karahasan at bigyang-daan ang pagpapanatili ng kapayapaan sa bansa.
















