-- Advertisements --

Hawak na ngayon ng Rain or Shine ang solo sa unang puwesto matapos talunin ang Converge 90-84 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup.

Naging susi sa panalo ng Rain or Shine ang ginawang crucial na last quarter na shot ni Andre Caracut para makuha ang kalamangan 81-75 sa last quarter.

Nanguna sa panalo ng Rain or Shine si Leonard Santillan na nagtala ng 16 points, siyam na rebounds habang mayroong 15 points si Gian Mamuyac para Painters.

Mayroon ng pitong panalo at dalawang talo ang Rain o Shine habang ang Converge ay mayroong anim na panalo at tatlong talo.