Handa na ang Gilas Pilipinas Women para sa 2026 FIBA Women’s World Cup Qualifying Tournament.
Nitong Martes, Marso 10 ay inilabas ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang final 12 women lineup para sa qualifiers na gaganapin sa Lyon-Villeurbanne, France.
Sa nasabing line up ay siyam dito ang bahagi na ng SEA Games sa Thailand kung saan nagkamit sila ng gintong medalya.
Pinangungunahan ito ng nagbabalik mula sa National University na si Afril Bernardino kasama sina Janine Pontejos, Trina Guytingco at mga baguhan na sina Kacey Dela Rosa, Louna Ozar, Angel Surada, Sophia Dignadice, Sarah Heyn, Kent Pastrana, Sumayah Sugapong at Ann Pingol.
Unang makakaharap nila ang France sa Marso 12 dakong 3:30 ng umaga habang makakaharap nila ng Germany sa Marso 13 ng alas-12 ng madaling araw.
Makakasagupa naman nila ang Nigeria sa Marso 14 ng alas-9 ng gabi habang ang South Korea sa Marso 15 ng 7:30 ng gabi at Colombia sa darating na Marso 17 ng alas-9 ng gabi.















