-- Advertisements --

Nakuha ng San Miguel Beermen ang twice-to-beat advantage ng PBA Philippine Cup quarterfinals.

Ito ay matapos na talunin nila ang Terrafirma Dyip 135-115 sa laro na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.

Bumida sa panalo ng Beermensi CJ Perez na nagtala ng 26 points, habang mayroong 15 points si Jeron Teng.

Nagtala naman ng triple double si nine-time Most Valuable Player June Mar Fajardo na mayroong 10 points, 13 rebounds at 10 assists.

Dahil sa panalo ay tabla na ang Beermen sa Rain or Shine sa standing na kapwa mayroong walong panalo at dalawang talo.

Labis na ikinatuwa ni San Miguel coach Leo Austria ang paglalaro ng kaniyang players dahil sa ito ang kanilang adhikain mula pa sa simula ng conference.

Habang ang Terrafirma ay tinapos ang kampanya sa conference na mayroong isang panalo at 10 talo.