-- Advertisements --

Naniniwala si Pusong Pinoy Party-list Rep. Jett Nisay na hindi na “Fit” mamuno sa bansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Nanindigan si Nisay sufficient in substance ang impeachment complaint na inihain laban sa Pangulo.

Giit ni Nisay,Kabilang sa mga paratang laban sa Pangulo ang culpable violation of the Constitutionbetrayal of public trust, at graft and corruption

Ayon sa reklamo, nilabag umano ng administrasyon ang Konstitusyon sa umano’y pag-bypass sa justice system, partikular sa usapin ng pakikipag-ugnayan sa International Criminal Court (ICC).

Binanggit din sa reklamo ang umano’y pagkakadawit ng Pangulo sa isyu ng pagdadala kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ICC, na inilarawan ng mga nagrereklamo bilang isang uri ng kidnapping at paglabag sa soberanya at karapatan sa due process.

Dagdag pa ng mga complainant, mahalaga rin ang moral na pananagutan ng pamahalaan, lalo na sa paggamit ng pondo para sa mga programang sinasabing pagpapalakas ng seguridad, sa halip na direktang tugunan ang mga suliranin ng mamamayan. Ipinahayag nila ang paniniwala na kailangang managot ang mga opisyal upang hindi na maulit ang mga ganitong problema sa hinaharap.

Kasama rin sa reklamo ang alegasyon ng patuloy na problema sa ilegal na droga, na ayon sa kanila ay hindi epektibong natugunan ng kasalukuyang administrasyon.