-- Advertisements --

Nakuha ng TNT Tropang 5G ang unang panalo kontra San Miguel Beermen 96-91 sa finals ng PBA 50th Season Philippine Cup.

Nalimitahan ng TNT ang Beermen sa first half ng laro subalit pagpasok ng second half ay doon umarangkada ang Beermen sa laro na ginanap sa Ynares Center.

Nanguna sa panalo si Kelly Williams na nagtala ng 15 points at siyam na rebounds habang mayroong 13 points at 10 rebounds si Calvin Oftana.

Hindi naman gaano nakuntento si TNT coach Chot Reyes dahil sa bawat tagumpay ng kanilang depensa ay hindi ito nai-convert sa puntos.

Nasayang naman ang ginawang 24 points ni June Mr Fajardo at 22 points ni Mo Tautuaa para sa Beermen.