-- Advertisements --

Gumawa ng kasaysayan ang bigman ng Miami Heat na si Bam Adebayo matapos siyang gumawa ng 83 big points sa blowout win laban sa Washington Wizards, 150-129.

Ibinabad si Bam sa loob ng 40 mins at ipinasok niya ang 20 field goals mula sa 43 na kaniyang pinakawalan – pito rito ay pawang mga 3-pointers.

Gumawa rin ng record breaking single-game free throws made ang Miami bigman matapos niyang ipasok ang 36 free points mula sa 43 attempts.

Maliban sa 83 points, naging sentro rin ng depensa ang bigman sa kaniyang siyam na rebounds, dalawang steal, at dalawang block sa kabuuan ng laban.

Hawak na ng Miami ang 11-point lead sa pagtatapos ng unang quarter ngunit pinilit ng Wizards na burahin ang deficit.

Gayonpaman, hindi nito nagawang sirain ang bigtime performance ng batikang sentro at kinalaunan ay ibinulsa ng Heat ang 21-point win sa pagtatapos ng laban.

Hawak ng Miami ang 37-29 win-loss record sa kasalukuyan at isa sa mga may malaking tyansa na makapasok sa nalalapit na Playoffs 2026. (report by Bombo Genesis)