BUTUAN CITY – Ipinagpatuloy ngayong araw, Huwebes, Pebrero a-5, ng Department of Education dito sa lungsod ng Butuan ang tatlong araw na National Planning Conference 2026 na nagsimula nito pang Martes, Enero a-3 at dinaluhan ng mahigit 600 kalahok mula sa 18 rehiyon sa buong bansa.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni DepEd-Caraga regional spokesperson Pedro Tecson na pinagtipon ng kumperensya ang mga opisyal ng DepEd central, regional, at division offices, kasama ang mga kinatawan mula sa local government units, pribadong sektor, development institutions, at mga policy at research organizations.
Ayon pa kay Tecson, nagsisilbi ang kumperensya bilang venue sa pagbabahagi ng kaalaman, karanasan, at commitment para sa pagpapaunlad ng edukasyon ng mga mag-aaral na Pilipino.
Isa rin itong pagkakataon upang pagbutihin ang mga plano at estratehiya at palakasin ang pangmatagalang pagtutulungan para sa dekalidad, inklusibo, at tumutugong edukasyon.
Dagdag pa niya, ang matagumpay na pagpaplano sa edukasyon ay nakasalalay hindi lamang sa mga teknikal na talakayan kundi pati sa tunay na kooperasyon ng lahat ng stakeholder.














