-- Advertisements --

Pinangunahan nina Jaylen Brown at Derrick White ang panalo ng Boston Celtics laban sa Miami Heat, 98-96.

Parehong gumawa ng clutch shots ang dalawang guard para habulin ang single-digit lead ng Miami sa huling tatlong minuto ng 4th quarter.

Hawak pa ng Heat ang 3-point lead, mahigit 2 minuto bago matapos ang laban hanggang maipasok ang 96-96 score, pabor sa Miami.

Agad binura ng Celtics ang deficit sa pamamagitan ng corner 3 ni White at ibinulsa ng Celtics ang 98-96 lead.

Hindi na nakabawi pa ang Miami at dinanas ang 2-point loss sa kamay ng 2024 NBA champion.

Sa pagtatapos ng laban, ibinulsa ni Brown ang 29 points at pitong rebounds habang 21 points, limang assists, at apat na blocks naman ang ambag ni White.

Nasayang ang 26 points, 6 rebounds, at isang steal ni dating NBA champion Andrew Wiggins sa panibagong pagkatalo ng Miami na kasalukuyang may 27-26 win-loss record.

Hawak naman ng 2024 NBA champion ang 34-18 kartada.