-- Advertisements --

Iniulat ng state weather bureau ang labis na bulto ng ulan na ibinuhos ng bagyong Basyang sa hilagang Mindanao, dahilan ng malawakang pagbaha sa maraming komunidad.

Lumalabas sa datos ng ahensiya na limang lugar sa northern Mindanao ang dumanas ng heavy at torrential rains. Sa loob lamang ng 24 oras, lumobo na ang ilog at drainage system dahil sa naipong bulto ng ulan tulad ng mga sumusunod na lugar:

Hindang Automatic Rain Gauge(ARG) – 354.5mm
Juan Tabla ARG – 361mm
Doroteo D. Lloren ARG – 383mm
Dulag ARG – 253mm
Banggolo Bridge ARG – 280.5mm

Paliwanag ng weather bureau, ang bumagsak na bulto ng ulan sa hilagang Minandao ay lagpas pa sa ‘100-year return period’.

Nangangahulugan itong sa anumang taon, isang porsyento lamang ang tyansang mangyayari ang ganitong uri ng rainfall event.

Dahil sa matinding pag-ulan na nagresulta sa mga serye ng pagguho ng lupa at malawakang pagbaha, umabot na sa walong katao ang nasawi sa magkakahiwalay na lugar sa Mindanao.

Isinailalim na rin sa state of calamity ang Iligan City na isa sa mga pangunahing nalubog sa tubig baha.