-- Advertisements --

Naglabas ang state weather bureau ng listahan ng mga probinsya sa bansa na makararanas ng heavy rainfall dulot pa rin ng Southwest Monsoon o Habagat ngayong Huwebes, September 3.

50-100 mm na ulan ang mararanasan ng ilang probinsya ngayong araw hanggang bukas ng Biyernes, September 4, kabilang na ang mga sumusunod: Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan at Abra. Kasama rin ang Benguet, Zambales, Bataan at Occidental Mindoro.

100-200 mm naman ang mararanasang pag-ulan bukas ng hapon hanggang Sabado ng hapon, September 5, ng Occidental Mindoro.

Samantala nasa 50-100 mm naman na dami ng pag-ulan ang asahan sa ng Zambales, Bataan, Pampanga at Bulacan. Gayundin naman sa Metro Manila, Cavite, Batangas, Oriental Mindoro at Antique.

Sa Sabado naman hanggang sa Linggo, September 6, makararanas ng 50-100 mm na pag-ulan ang Zambales, Bataan, Tarlac at Pampanga. Kasama din ang Cavite, Batangas at Occidental Mindoro.