-- Advertisements --

Hiniyakat ni Senador Francis “Kiko” Panghilinan ang mga Local Government Units (LGUs) na aktibong ipatupad ang Sagip Saka Act upang mapalakas ang kita ng mga magsasaka at mangingisda sa pamamagitan ng direktang pagbili ng pamahalaan ng kanilang ani. 

Sa isang dayalogo kasama ang 67 Mayors for Good Governance at mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) noong enero 30 ginawa ni Pangilinan ang panawagan kung saan binigyang-diin nito na mahalaga ang papel ng mga lokal na pamahalaan sa ganap na pagpapatupad ng batas na ipinasa noong 2019. 

Sa ilalim ng Sagip Saka Act, pinahihintulutan ang mga ahensya ng pamahalaan at LGUs na derektang bumili ng mga produkto mula sa mga magsasaka at mangingisda nang hindi dumaraan sa public bidding upang tuluyang putulin ang papel ng mga middleman at mapataas ang kita ng mga magsasaka at mangingisda. 

Ipinunto ng senador na ang LGUs ang pangunahing tagapagpatupad ng mga programang pang-agrikultura dahil sila ang may agarang kakayahang tumugon sa pangangailangan sa komunidad, gayundin ang kahalagahan ng koordinasyon ng pambansa at lokal na pamahalaan upang maiparamdam sa mga magsasaka ang benepisyo ng mga programa ng gobyerno partikular sa sektor ng agrikultura ng matagal nang nakakaranas ng mababang kita. 

Kasabay nito, ipinaalala ni Pangilinan ang pagpapatupad ng Executive Orders Nos. 100 at 101 na linagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong nakaraang taon kung saan ang EO Ang EO 100 ay nagtatakda ng floor price sa palay upang protektahan ang mga magsasaka laban sa mababang farmgate prices, habang inaatasan naman ng EO 101 ang lahat ng ahensya ng gobyerno na ipatupad nang buo ang Sagip Saka Act.

Sa huli, iginiit ng senador na ang direktang pagbili ng pamahalaan mula sa lokal na magsasaka ay nagtitiyak na nananatili sa komunidad ang umiikot na pondo, na tumutulong sa paglago ng lokal na ekonomiya at sa pangmatagalang seguridad sa pagkain.