-- Advertisements --

Tinambakan ng Barangay Ginebra ang Terrafirma Dyip 108-77 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup.

Dahil dito ay buhay ang tsansa ng Ginebra para sa twice-to-beat playoff.

Umabot pa sa 27 points ang kalamangan ng Ginebra sa first half sa laro na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.

Ito na ang tatlong sunod na panalo ng Ginebra na sa kabuuan ay mayroong limang panalo at apat na talo habang ang Dyip ay mayroong isang panalo at siyam na talo.

Nanguna sa panalo ng Ginebra si Jayson David na nagtala ng 16 points, habang mayroong 13 points si Troy Rosario at 12 points naman si Japeth Aguilar.

Nasayang naman ang nagawang 15 points ni Paolo Hernandez at 11 points ni Mark Nonoy para sa Dyip.