-- Advertisements --

Mabilis na nakabawi ang Magnolia Hotshots matapos talunin ang NLEX 98-82 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup.

Nanguna sa panalo ng Magnolia si Zavier Lucero na nagtala ng 18 points at 12 rebounds habang mayroong 14 points si Rome Dela Rosa at 12 points naman si Mark Barroca para sa Hotshots sa laro na ginanap sa Ynares Center sa Montalban.

Dahil dito ay mayroon ng anim na panalo at tatlong talo ang Magnolia.

Inamin ni Magnolia coach LA Tenorio na naging mabagal sila sa first half subalit padating ng second half ay ikinatuwa nito dahil sa nakahabol sila at naipanalo ang laro.