-- Advertisements --

Ikinagalak ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang desisyon ng FIBA na i-adjust ang eligibility ng edad ng mga manlalaro na magrerepresenta ng mga bansa sa international events.

Base sa pagbabago na kikilalanin na ng FIBA ang mga manlalaor bilang non-restricted sa mga nakakuha ng kanilang pasaporte bago ang edad na 18 na dati ay sa 16.

Sinabi ni SBP President Ricky Vargas na isang magandang balita ito.

Isinagawa ang pagbabago matapos ang pulong ng FIBA board of directors pagkatapos ng makumpleto ang mga laro ng first window ng FIBA 2027 World Cup Qualifiers.