-- Advertisements --

Inanusiyo na ng Philippine Regulation Commission (PRC) ngayong araw ng Biyernes, Marso 6 ang resulta ng Philippine Nurse Licensure Exam (PNLE) noong Pebrero 2026.

Nasa 44.24% ang passing rate sa katatapos na licensure exam o 3,611 mula sa 8,162 examinees ang matagumpay na nakapasa sa February 2026 PNLE.

Nakakuha ng pinakamataas na percentage rating sa katatapos na licensure exam ang nursing graduate mula sa Saint-Paul University – Tuguegarao na si Alyanna Marie Ramos Villegas na may 92.0 percentage rating.

Ang iba pang Nurses na pasok sa Top ten list ay ang mga sumusunod:

Ang top performing schools na mayroong 100 o mahigit pang examinees na nakakuha ng 85% passing percentage ay ang Saint Paul University – Tuguegarao, Southern Luzon State University – Lucban (SLPC), Universidad de Zamboanga at Saint Scholastica’s College – Tacloban.

Maaaring bisitahin ang PRC board website para sa buong listahan ng PNLE passers.

Idinaos ang unang Nursing Board Exams ngayong taon mula Pebrero 26 hanggang 27 sa iba’t ibang PRC testing centers sa bansa.

Sa lahata ng mga passer na interesadong dumalo sa face-to-face mass oath-taking, maaaring magrehistro ng hindi lalagpas ng alas-12:00 ng tanghali isang araw bago ang petsa ng oath-taking.

Magparehistro sa http://online.prc.gov.ph para sa kumpirmasyon ng pagdalo.

Para sa mga hindi makakadalo sa mass oath-taking, maaaring umattend sa pamamagitan ng virtual oath-taking o mag-request ng special oath-taking.

Samantala, nakatakdang i-anunsiyo ang petsa para sa oath-taking sa official website ng PRC.