-- Advertisements --
Inanunsiyo ni Public Works Secretary Vince Dizon nitong Lunes na sasali si Rogelio “Babes” Singson, na nagbitiw sa Independent Commission for Infrastructure (ICI), sa grupo ng mga eksperto ng DPWH na susuri sa mga susunod na flood control projects.
Ayon kay Dizon, magiging bahagi si Singson ng pinaka-mahalagang technical working group ng DPWH na magsasagawa ng masusing pagsusuri sa lahat ng flood control projects.
Ipinabatid na nagbitiw si Singson sa ICI kamakailan dahil sa stress na dulot ng trabaho ng komisyon, na nagrerekomenda ng kaso laban sa mga sangkot sa anomalya sa flood relief programs. (report by Bombo Jai)
















