Bumuhos pa lalo ang pakikiramay mula sa publiko at mga kaibigan ng pamilya Barretto matapos pumanaw ang kanilang ina at matriarch na si Estrella “Inday” Barretto nitong nakaraang araw sa edad na 89.
Kinumpirma ng kanyang anak na si Joaquin “JJ” Barretto ang malungkot na balita, kalakip ang mensahe ng pamama-alam at pagmamahal.
Ayon naman kay Claudine Barretto, nagkaisa ang magkakapatid sa pagbibigay-alaga kay Inday sa kaniyang huling mga buwan, sa kabila ng matagal na alitan sa pamilya.
Maraming kaibigan ang nagpaabot ng kanilang dasal at pakikiramay sa iba’t-ibang paraan.
Si Inday ay ina ng pitong anak, kabilang ang mga kilalang aktres na sina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto.
Ang kanyang pagpanaw ay nagdulot ng malalim na kalungkutan sa pamilya at sa publiko, lalo’t kilala siya bilang matatag na haligi ng isa sa pinakatanyag na pamilya sa showbiz.
Sa kabila ng mga kontrobersya, binigyang-diin ng pamilya na sa panahon ng pagluluksa, sila ay nagkakaisa.















