-- Advertisements --

Ikinagalak ng actress na si Claudine Barretto ang pagbasura ng korte sa kaso laban sa nakakatandang kapatid nitong si Gretchen.

Hindi kasi naisama si Gretchen sa mga indibidwal na kinasuhan na may kaugnayan sa nawawalang sabungero.

Sa social media account ni Claudine ay nagpost ito ng artikulo at nilagyan nito ng caption na “The Truth is Out”.

Magugunitang noong Hulyo ay idinawit si Gretchen na nasa likod ng nawawalang sabungero dahil sa karelasyon nito ang negosyanteng si Atong Ang na nasa likod umano ng kaso.

Una ng itinanggi ni Gretchen ang nasabing alegasyo na ito ay sangkot sa nasabing kaso.