Pare-parehong naghain ng ‘not guilty’ plea ang dating mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH)-Bulacan na umano’y sangkot sa malawakang flood control scandal.
Kinabibilangan ito nina dating Bulacan First District Assistant Engineer Brice Hernandez, Engr. Jaypee Mendoza, at Christina Pineda, pare-parehong akusado sa umano’y ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.
Sa kanilang pagharap sa Sandiganbayan 4th Division, itinanggi nila ang pagkakasala at pagkakasangkot sa kontrobersyal na proyekto.
Sa kabilang banda, ipinagpaliban naman ng korte ang pagbasa ng sakdal sa iba pang akusado at iniurong sa February 9 kasabay ng arraignment ni dating Senator Ramon ‘Bong’ Revilla Jr., ang kanilang kapwa-akusado.
Haharap din ang lahat ng akusado sa hiwalay na arraignment dahil sa sa kasong “Malversation” sa parehong petsa.
Para sa mga akusadong dati nang na-arraign, nakatakda sa Pebrero-19 ang kanilang pre-trial.
















