-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of Justice na kapwa-respondent ni Sen. Jinggoy Estrada sa ‘plunder case’ sa flood control si former Department of Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan.

Ayon kay Justice Spokesperson Atty. Polo Martinez, kabilang ang naturang kalihim sa mga sinampahan ng National Bureau of Investigation ng reklamong plunder.

Co-respondent aniya ng senador si former Public Works Sec. Bonoan rito may kinalaman sa umano’y iregularidad sa mga proyekto ng pamahalaan.

Paglilinaw naman ni Justice Spokesperson Atty. Polo Martinez na hindi lamang ito patungkol sa iisang proyekto kundi sa sinasabing nakaw na yaman nagkakahalaga ng higit 50-milyon piso.

Kombinasyon aniya raw ito sa ilan at pinagsamang mga transaksyon mayy kaugnayan sa flood control projects anomaly.

Sa kasalukuyan ay wala pang naitatakdang skedyul o petsa kung kailan mauumpisahan ang preliminary investigation hinggil sa plunder case.

Ibinahagi ng tagapagsalita na ito’y itatalaga sa panel of prosecutor na hahawak ng kaso na siyang mag-iisyu rin ng subpoena.